Mt. Binatak sa Sablayan, Occidental Mindoro nasusunog ABS-CBN News

Mt. Binatak sa Sablayan, Occidental Mindoro nasusunog ABS-CBN News

HomeABS-CBN, NewsMt. Binatak sa Sablayan, Occidental Mindoro nasusunog ABS-CBN News
Mt. Binatak sa Sablayan, Occidental Mindoro nasusunog ABS-CBN News
Kasalukuyang nasusunog ang malaking bahagi ng Mt. Binatak sa Barangay Burgos, Sablayan, Occidental Mindoro.

Rumesponde na ang mga bumbero ng Sablayan BFP at Bureau of Corrections para apulahin ang apoy pero hirap ang mga bumbero sa pagpatay sa sunog dahil hirap silang marating ang lugar.

Ayon kay Bgy. Kagawad Antonio Bergonia, alas kwatro ng hapon nitong Huwebes nang mapansin nila ang maliit na apoy sa kabundukan pero pagsapit ng alas sais ng gabi ay bigla na lamang lumaki ang apoy at lumawak.

Natakot ang mga residente dahil malapit sa mga bahay, eskwelahan at communications tower ang sunog.

“Pinuntahan po namin ‘yung area kasama po mga kagawad at tanod ay naapula po ‘yung apoy sa bandang baba. Pero ‘yung bandang taas po ay hindi naming napuntahan kasi masyado nang matarik, mahirap na po. Doon po sa bandang gawi ng silangan ng bundok na ito may school po doon, high school, marami po kabahayan doon na nangangamba na baka lumipad ‘yung mga alipato, o ‘yung natitirang apoy sa mga kogon ay pumunta sa mga kabahayan nila,” sabi ni Kagawad Bergonia.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil tuyong-tuyo ang mga damo sa bundok.

“Tuyong-tuyo talaga sir lalo’t dito sa amin ay puro kahoy, puro kawayan, tuyong-tuyo po lahat yung paikot at lahat ng bundok ay tuyong-tuyo,” dagdag ni Kagawad Bergonia.

Hanggang Biyernes nang madaling araw ay nagliliwanag pa ang kabundukan dahil sa laki ng apoy at dinig na dinig pa ang mga pagputok ng mga nasusunog na puno ng kawayan.

Hindi pa matukoy kung bakit nagkaroon ng sunog sa lugar.

Wala pang ibinibigay na pahayag ang BFP Sablayan.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?listPLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf

For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?listPLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR

For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?listPLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U

For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?listPLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

#Sunog
#LatestNews
#ABSCBNNews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^