Sen. Marcos, ikinababahala ang plano umano ng China na paggamit ng hypersonic missiles vs. Pilipinas

Sen. Marcos, ikinababahala ang plano umano ng China na paggamit ng hypersonic missiles vs. Pilipinas

HomeNews, TV5Sen. Marcos, ikinababahala ang plano umano ng China na paggamit ng hypersonic missiles vs. Pilipinas
Sen. Marcos, ikinababahala ang plano umano ng China na paggamit ng hypersonic missiles vs. Pilipinas
Ikinababahala ni Sen. #ImeeMarcos ang nakita niya umanong balak ng China sakaling mapagdesisyunan nitong atakihin ang Pilipinas.

Aniya, hindi ito gaya ng paglusob sa pamamagitan ng katakot-takot na navy kundi sa pamamagitan ng hypersonic missiles o air attack. Dagdag pa niya, nakatakda na umano ang 25 target ng China.

“Mas lalo akong ninerbyos kasi akala ko ‘yung mga bansang may iron dome, hindi makakapasok ang missile pero kapag hypersonic daw kayang-kayang pumasok. Ganyan lang kadali, durog daw!” saad ng sa senadora sa isang Facebook video.

Ang hypersonic missile ay isang uri ng armas na limang beses na mas mabilis kumpara sa speed of sound na kahit ang Amerika ay hindi umano kayang salagin.

Sa kabila nito, nagsimula na nitong Martes, July 2 ang bilateral consultation mechanism sa pagitan ng China at Pilipinas para pag-usapan ang isyu sa agawan ng teritoryo. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^